Miyerkules, Oktubre 9, 2013

Paghahalintulad mo sa crush/boyfriend sa isang bagay.

Ako si 
Kathyreen Joy Delos Santos Caringal,
mag la-labing nuebeng taong gulang sa araw ng lunes Oktubre 14' 1994 
nakatira sa Quezon City, 
Estudyante... 
Status? Single? TAKEN! :) 
Nobyo ko si JEREMY LLOYD MANABAT PILI



 ----Ang Lalakeng Minahal Ko Ng Lubos----





    Kung ihahalintulad ko sya sa isang bagay, pipiliin kong sya'y aking  SALAMIN. Bakit? Dahil kahit kelan gusto ko lagi syang kasama, mawala lang or maiwan ko lang sya, di na agad ako mapakali. Isang napakagandang repleksyon ang aking palaging nakikita sa salamin sa tuwing tinititigan ko ito, hindi dahil sa itsura o pisikal na kaanyuan ang nakikita ko, kundi may isang kumikislap na ngiti ang aking naanigan sa repleksyon na ito. Na tila'y nagsasabing "kahit anong mangyare hinding hindi ko kakayaning mawala ka sa buhay ko" isang matang nagsasabing "Pagkatiwalaan mo ako, Mamahalin kita ng lubos higit pa sa pagmamahal na ibinibigay mo sa akin". Isang ngiting nagsasabing "Aalagaan kita, higit pa sa pag aalaga mo sa akin". Ikaw ang repleksyon ng buhay ko, Sadyang totoong komento ang sinasabi at walang halong pambobola. Salamin na titignan ko kapag maraming problema ang dumarating sa akin, kahit gaanong problema sasabihin nya lamang sayo na "Tignan mo ako, Ngumiti ka... harapin mo ang problema, kasama mo akong sosolusyunan ito" na tila'y isang sinag ng araw ang tumapat sa salamin at tumutok sa akin. Nakakasilaw ngunit pinipilit ko paring tignan/titigan. Na sumisimbolong problema na matatapos rin naman. Kapag tumututok sa mata ko ang sinag ng araw galing sa salamin, nanghihina ako... Ngunit kahit na gaanong kahirap titigan ito, patuloy ko parin itong haharapin dahil alam kong may kasama ako sa panahong gaya nito. Kahit kailan hindi nito ako iiwan. Sa kahirapan, kasayahan, lagi lamang syang nariyan. 


    Masaya ako kapag nakikitang walang basag ang salamin. Ilang salamin na ang nagdaan sa akin, kadalasan ito'y nababasag. Ngunit kung ikaw ang magsisilbing aking salamin, kahit na ilang basag pa ang matamo nito, gagawa at gagawa ako ng paraan mabuo ka lamang ulit. 



Isang salamin na kahit na gaano kahirap ang sitwasyon, ay hinding hindi ko hahayaang mabasag.




Isang salamin na iiyakan ko ng lubos.



IKAW ANG AKING SALAMIN NA KAHIT SINO'NG MAKAKAKITA AY KAIINGGITAN.

 IKAW ANG AKING SALAMIN NA KAHIT KELAN AY HINDI NA MAWAWALA SA BUHAY KO.

 IKAW SALAMIN ANG KUMUMPLETO SA BUHAY AT SA PAGKABABAE KO, 
NA LAGING NAGSASABING AKO LAMANG ANG MAGANDA SA IYONG PANINGIN NA HINDI GUGUSTUHING MAKAANINAG NANG IBA PANG REPLEKSYON. :)

 IKAW ANG KAHINAAN AT LAKAS KO. 


ISANG SALAMIN NA HINDING HINDI KO KAYANG KALIMUTAN.


MAHAL NA MAHAL KITA AKING IROG <3

I LOVE YOU JEREMY LLOYD MANABAT PILI

Mga ibat’ibang klaseng pahayag

Ang aking napili ay ang Pagsusumbi

"PAIT"



  Napakasakit isipin na ang alak ang isa pa sa mga kinahuhumalingan ng maraming kabataan. Nagsisimula sa dose anyos pataas ang mga kabataang nahihilig rito. Hindi rin lahat ng mga kabataang umiinom ay nammroblema, kadalasan sila ay nag iinom pampalipas lamang ng oras. Hindi naiisip ng mga kabataang ito ang mga bagay na pwede maging epekto ng kanilang pag inom sa kanilang murang edad
             

        Dapat malaman ng mga kabataan na hindi kailangan ng alak para lamang maging masaya ang barkada, dapat rin ay matuto rin silang maging responsible sa bawat bagay na kanilang ginagawa.

Valedictorian Speech

     


            Bago ko po simulan ang aking talumpati, gusto ko po munang batiin ng isang Magandang Araw po sa lahat! Sa lahat ng mga guro, principal, faculty members at sa aking mga kapwa estudyanteng magsisipagtapos. Ako po ay lugod na nagpapasalamat sa bawat taong nandirito, lalong lalo na samga gurong hindi nagsasawang intindihin kaming mga estudyante. Alam kong kahit gaano kakulit ang inyong mga estudyante, kahit sobrang naiinis na kayo sa amin, alam kong walang guro ang hindi ginustong hindi makapagtapos ang isa sa kanilang mga estudyante, kame ang nagsisilbing bunga at produkto ng mga nag gagalingan at nagbabaitan naming mga guro. An gaming pagtatapos ay ang nagsisilbing tropeyo/ reward nyo sa inyong sarili. Mas ramdam nyo ang tagumpay sa bawat estudyanteng nagtatapos kada taon. Kayong mga guro ang nagsisilbing aming ina tuwing kami ay nasa eskwelahhan. Maraming Salamat

              

        Sa mga kapwa ko estudyante naman, kaibigan, sa loob ng ilang taon na tayo’y  magkakasama, eto ang araw na ating pinakahihintay. Sa mga magulang na hindi nagsawang sumuporta sa labing anim na taong aming pag aaral para saming magandang kinabukasan. Maraming Salamat sa inyo! Bagong pagsubok nnaman sa aming buhayang aming tatahakin, Alam kong kakayanin natin ito!! 

Sang ayon ba kayo na gamitin ang Ingles bilang unang language natin?



               Para sa akin hinde, dahil sa panahon ngayon… marami ng tao ang nagiging basehan ang pag iingles sa paghusga kung matalino ba ang isang tao. Gaya nalang sa mga nagaganap na interview sa paligid naten, para sa akin bihira na ang mga kompanyang nag iinterview ng tagalog, madalas ay ingles na. Sa aking palagay sa maliliit na kompanya nalang ang mga nag iinterview ng tagalog. Aminin natin na kapag may kakilala tayong magaling mag ingles iisipin na nateng matalino ang taong ito. Miski sa ating sarili, magkaroon lang tayo ng kausap na tayo mismo sa palagay natin ang mas nakakapag straight English feeling naten sobrang talino at galling na naten. Bihira na rin sa ating mga Pinoy ang nakikipagusap ng pure tagalog, madalas sa atin halos Taglish o magkahalong tagalog at ingles an gating mga sinasabe. At marami rin sa ating mga Pilipino ang hindi gaanong nakakaintindi ng mga malalalim na tagalog. Base sa experience ko, mas madalas na gamitin ng mga nasa city na lugar ang Taglish, sa mga probinsya nama’y malalalim na salita. Unti unti na tayo nagiging mahina sa sarili nating Lengwahe.

At kung ikokonekta ang tanong na ito sa aking kurong AB Communication Arts, ang ingles ay isa sa nagiging susi sa pakikipag usap or ika nga ng mga guro kadalasan ay English is one of the key to conversation.



Bakit nga ba di ka crush ng crush mo?

Saan ba at kelan ba nagsisimula ang sinasabing crush na yan? Yan ba ay napupulot lamang kung saan saan? O ito ba’y isang pakiramdam na kalian ma’y parating nararamdaman ng bawat isa?







Eto ang ilang sagot mula sa akin… Lahat tayo ay dumaraan sa ganyang hakbang lalong lalo na nung tayo’y mga bata pa lamang. May mga oras pa nga na sinasabi natin sa ating mga kaibigan na “Mahal ko na siya”, pero kung iyong iisipin ika’y sampung taong gulang pa lamang pero ika’y may minamahal na. Nakakatuwang isipin na kahit isang beses sa buong buhay natin ay nangyari yon. Kahit na tayo’y mga bata pa ng mga panahong yon, nagging masaya tayo sa mga simpeng pagpapakilig sa atin ng mga ating kanya kanya nating hinahangaan. Huli na ng malaman natin na an gating nararamdaman lang naman pala ay iisa lamng paghanga o ika nga nila ay “crush”.
Pumunta naman tayo sa mismong tanong sa tekstong ito, “Bakit nga ba hindi ka crush ng crush mo?”. Simple lang baka naman mayroon ka lang talagang katangian na hindi nya nagustuhan o kaya’y masyada kang perpekto para sa kanya.



ni Kathyreen Joy S. Caringal