Para sa akin hinde, dahil sa panahon ngayon… marami ng tao
ang nagiging basehan ang pag iingles sa paghusga kung matalino ba ang isang
tao. Gaya nalang sa mga nagaganap na interview sa paligid naten, para sa akin
bihira na ang mga kompanyang nag iinterview ng tagalog, madalas ay ingles na.
Sa aking palagay sa maliliit na kompanya nalang ang mga nag iinterview ng tagalog.
Aminin natin na kapag may kakilala tayong magaling mag ingles iisipin na nateng
matalino ang taong ito. Miski sa ating sarili, magkaroon lang tayo ng kausap na
tayo mismo sa palagay natin ang mas nakakapag straight English feeling naten
sobrang talino at galling na naten. Bihira na rin sa ating mga Pinoy ang
nakikipagusap ng pure tagalog, madalas sa atin halos Taglish o magkahalong
tagalog at ingles an gating mga sinasabe. At marami rin sa ating mga Pilipino
ang hindi gaanong nakakaintindi ng mga malalalim na tagalog. Base sa experience
ko, mas madalas na gamitin ng mga nasa city na lugar ang Taglish, sa mga
probinsya nama’y malalalim na salita. Unti unti na tayo nagiging mahina sa
sarili nating Lengwahe.
At kung ikokonekta ang tanong na
ito sa aking kurong AB Communication Arts, ang ingles ay isa sa nagiging susi
sa pakikipag usap or ika nga ng mga guro kadalasan ay English is one of the key
to conversation.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento