Miyerkules, Oktubre 9, 2013

Bakit nga ba di ka crush ng crush mo?

Saan ba at kelan ba nagsisimula ang sinasabing crush na yan? Yan ba ay napupulot lamang kung saan saan? O ito ba’y isang pakiramdam na kalian ma’y parating nararamdaman ng bawat isa?







Eto ang ilang sagot mula sa akin… Lahat tayo ay dumaraan sa ganyang hakbang lalong lalo na nung tayo’y mga bata pa lamang. May mga oras pa nga na sinasabi natin sa ating mga kaibigan na “Mahal ko na siya”, pero kung iyong iisipin ika’y sampung taong gulang pa lamang pero ika’y may minamahal na. Nakakatuwang isipin na kahit isang beses sa buong buhay natin ay nangyari yon. Kahit na tayo’y mga bata pa ng mga panahong yon, nagging masaya tayo sa mga simpeng pagpapakilig sa atin ng mga ating kanya kanya nating hinahangaan. Huli na ng malaman natin na an gating nararamdaman lang naman pala ay iisa lamng paghanga o ika nga nila ay “crush”.
Pumunta naman tayo sa mismong tanong sa tekstong ito, “Bakit nga ba hindi ka crush ng crush mo?”. Simple lang baka naman mayroon ka lang talagang katangian na hindi nya nagustuhan o kaya’y masyada kang perpekto para sa kanya.



ni Kathyreen Joy S. Caringal



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento