Miyerkules, Oktubre 9, 2013

Paghahalintulad mo sa crush/boyfriend sa isang bagay.

Ako si 
Kathyreen Joy Delos Santos Caringal,
mag la-labing nuebeng taong gulang sa araw ng lunes Oktubre 14' 1994 
nakatira sa Quezon City, 
Estudyante... 
Status? Single? TAKEN! :) 
Nobyo ko si JEREMY LLOYD MANABAT PILI



 ----Ang Lalakeng Minahal Ko Ng Lubos----





    Kung ihahalintulad ko sya sa isang bagay, pipiliin kong sya'y aking  SALAMIN. Bakit? Dahil kahit kelan gusto ko lagi syang kasama, mawala lang or maiwan ko lang sya, di na agad ako mapakali. Isang napakagandang repleksyon ang aking palaging nakikita sa salamin sa tuwing tinititigan ko ito, hindi dahil sa itsura o pisikal na kaanyuan ang nakikita ko, kundi may isang kumikislap na ngiti ang aking naanigan sa repleksyon na ito. Na tila'y nagsasabing "kahit anong mangyare hinding hindi ko kakayaning mawala ka sa buhay ko" isang matang nagsasabing "Pagkatiwalaan mo ako, Mamahalin kita ng lubos higit pa sa pagmamahal na ibinibigay mo sa akin". Isang ngiting nagsasabing "Aalagaan kita, higit pa sa pag aalaga mo sa akin". Ikaw ang repleksyon ng buhay ko, Sadyang totoong komento ang sinasabi at walang halong pambobola. Salamin na titignan ko kapag maraming problema ang dumarating sa akin, kahit gaanong problema sasabihin nya lamang sayo na "Tignan mo ako, Ngumiti ka... harapin mo ang problema, kasama mo akong sosolusyunan ito" na tila'y isang sinag ng araw ang tumapat sa salamin at tumutok sa akin. Nakakasilaw ngunit pinipilit ko paring tignan/titigan. Na sumisimbolong problema na matatapos rin naman. Kapag tumututok sa mata ko ang sinag ng araw galing sa salamin, nanghihina ako... Ngunit kahit na gaanong kahirap titigan ito, patuloy ko parin itong haharapin dahil alam kong may kasama ako sa panahong gaya nito. Kahit kailan hindi nito ako iiwan. Sa kahirapan, kasayahan, lagi lamang syang nariyan. 


    Masaya ako kapag nakikitang walang basag ang salamin. Ilang salamin na ang nagdaan sa akin, kadalasan ito'y nababasag. Ngunit kung ikaw ang magsisilbing aking salamin, kahit na ilang basag pa ang matamo nito, gagawa at gagawa ako ng paraan mabuo ka lamang ulit. 



Isang salamin na kahit na gaano kahirap ang sitwasyon, ay hinding hindi ko hahayaang mabasag.




Isang salamin na iiyakan ko ng lubos.



IKAW ANG AKING SALAMIN NA KAHIT SINO'NG MAKAKAKITA AY KAIINGGITAN.

 IKAW ANG AKING SALAMIN NA KAHIT KELAN AY HINDI NA MAWAWALA SA BUHAY KO.

 IKAW SALAMIN ANG KUMUMPLETO SA BUHAY AT SA PAGKABABAE KO, 
NA LAGING NAGSASABING AKO LAMANG ANG MAGANDA SA IYONG PANINGIN NA HINDI GUGUSTUHING MAKAANINAG NANG IBA PANG REPLEKSYON. :)

 IKAW ANG KAHINAAN AT LAKAS KO. 


ISANG SALAMIN NA HINDING HINDI KO KAYANG KALIMUTAN.


MAHAL NA MAHAL KITA AKING IROG <3

I LOVE YOU JEREMY LLOYD MANABAT PILI

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento